MENU

health.JPG

Para sa Kalusugan - Galaw at Wastong Pagkain

 

Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pamamahala ni Mayor Justin Marc “Timmy Chipeco” , Vice Mayor Roseller “Ross’ Rizal at myembro ng Sangguniang Panglungsod para sa kalusugan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan. Sa ginanap na Nutrition Month noong July 2019 na may temang “KUMAIN NG WASTO MAGING AKTIBO I PUSH NATIN ‘TO.” Sinabi ni Ms. Aleli Catalina Jimenez, isang Nutritionist, na kailangang magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa tamang nutrisyon upang mapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan at tamang paghahanda ng pagkain para sa pamilya. Dagdag pa na iwasan ang pagkain sa mga fast food sapagkat ang mga ito ay mataas sa fats, sugar at salt na karaniwang pinanggagalingan ng iba’t-ibang uri ng sakit, sa halip, kumain ng gulay at prutas.

     Bukod dito, binanggit din nya na ang pokus ngayong taon ng nutrisyon ay ang pagkakarron ng Physical Activity. Mapapansin na ang mga kabataan ngayon ay sobra
sa paggamit ng mga gadgetskung kaya’t nawawalan na ng exercise. Kung maaari ay  tumayo tayo, mag stretching, maglakad lakad lakad ng isang minuto kada dalawang oras (matanda o bata) sapagkat ang “Prolong sitting and lying is next to smoking” 

     Sa pangunguna ni Dr. Adelino Labro , City Health Officer nagsagawa ang kanilang tanggapan ng ibaibang programa upang higit na maintindihan ang tema ng selebrasyon gaya ng Market Fair, Palarong Pinoy tulad ng sipa, patintero at iba pa, Poster Making Contest, Calambulilit Kusina Master, Kiddielympics, Zumba Contest,at Nutri Puzzle . Nagsagawa rin ng Nutri Forum ukol sa Healthy Diet at Exercise . Ginawaran ng parangal ang lahat ng sumali at mga nagwagi sa mga patimpalak noong 31 July 2019. -Marivic D. Balba

dengue     Kasabay ng tag-ulan ang pagsulputan ng iba’t-ibang uri ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagtatae, leptospirosis dulot ng baha at DENGUE na dala ng lamok.

     Noong 10 July 2019 nagsimula ang programa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Adelino Labro para sa pagdiriwang ng DENGUE AWARENESS MONTH na may temang, “Mag 4S Kontra Dengue”. Nagkaroon ng lecture ukol sa mga pamamaraan at pagiingat upang higit na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito.

Ipinaliwanang rin ang kahulugan at kahalagahan ng 4s:
     1. SEARCH AND DESTROY BREEDING PLACES – kailangang hanapin kung saan namumugad ang mga lamok. Regular na suriin ang lalagyan ng mga pinggan na kalimitang nakakaligtaang linisin, pagpapalit ng tubig sa flower vase, pinag-iimbakan ng tubig at mga kanal kung saan ay may nakaipong tubig.

     2. SEEK EARLY CONSULTATION - kumunsulta na agad sa doctor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw, pananakit ng ulo at pagsusuka, upang maagapan ang anumang karamdaman o uri ng sakit.

     3. SECURE SELF PROTECTION - magsuot ng pajama at long sleeves upang makaiwas sa kagat ng lamok. May ipinamamahagi din ang Department of Health ng mga treated na kulambo at treated screen para sa mga paaralan.

     4. SAY YES TO FOGGING - huling pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng dengue. May tamang oras ang fogging o misting, 4-6 sa umaga at 4-5 sa hapon.

     Ayon sa pag-aaral ito ang oras na kalimitang lumalabas ang lamok na may dalang sakit. Higit sa lahat ng ito, mas mahalaga pa rin ang kalinisan hindi lamang sa ating pangangatawan at panatilihin din na laging malinis ang mga kapaligiran. Puspusan ang kampanya laban sa dengue ng Pamahalang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “ Ross” Rizal at miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Health Office. Patuloy ang pagsasagawa ng misting operation at pamamahagi ng misting machine sa mga barangay na may kaso ng dengue. Nais ng pamahalaan na paigtingin ang mga programang ibinaba ng Department of Health (DOH) para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. -Marivic D. Balba

67144042_2814162631991299_7523066519559864320_n.jpg  66774147_2793284357412460_3606856669813800960_n.jpg

pwdcaravan.JPG41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration

     Ipinagdiwang ng Persons With Disability (PWD) sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong 15 – 21 Hulyo 2019 na may temang, “Lokal na Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan” sa pamumuno ng ating Punong Lungsod Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller  “Ross” Rizal at ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Social Services and Youth Development Office. Naghanda ng mga programa at aktibidades ang PDAO sa pangunguna ng kanilang Section Head, G. Luisito Apacionado.

     Ayon kay G. Apacionado, naghandog ng libreng film showing ang SM City kasabay ang pagbubukas ng Bazaar sa loob ng City Hall na sinundan ng mga programa tulad ng mga
sumusunod:

     16 Hulyo - Poster Making Contest- kung saan ipinakita ang kanilang husay sa pagpinta at pagguhit;

      17 Hulyo - Mayor Timmy Chipeco Mini Caravan for PWD kung saan ay nagkaroon ng Job Fair for PWD, livelihood training (food processing), medical, eye check-up at dental mission, libreng massage, manicure, haircut, legal consultations, at mga problemang may kaugnayan sa civil registration.

      18 Hulyo – Seminar on Rights of PWD

      21 Hulyo – Motorcade na nagsimula sa likuran ng SM Calamba Parking at nagtapos sa Calamba Elementary School (Central 2) na sinundan ng PWD Got Talent Season 3 kung saan sila nagpakita ng kanikanilang galing at talento.

     Patuloy ang pagsuporta ng ating Pamahalaang Lungsod sa mga programa na makapagpapaangat at makapagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan ng lungsod sa  tulong ng mga pribadong sektor at PWD Organization ng bawat barangay. Louie Landicho/Marivic D. Balba/Cecil H. Canillas

buhayani2019_copy.jpg

     This year, planning and preparations for the 6th BUHAYANI FESTIVAL and the 158th Dr. Jose P. Rizal Birth Anniversary commemoration started much earlier compared to previous years.     

     The events committee wanted to make a stronger impact not only aiming for the Pearl Award presented by DOT and ATOP to highly deserving Local Government Units with exemplary festivals, but instilling more deeply the spirit of heroism inspired by Dr. Jose Rizal.     

     With the Buhayani Festival being in its iron year, the city is highlighting the most well-known of this metal’s attributes: strength. As such, even as early as March, numerous sponsors and festival partners have already given their pledges of support for a bigger and stronger Buhayani Festival.     

     Mayor Timmy Chipeco, the Father of Buhayani Festival, together with the festival committee, added activities to attract more competitors and spectators from a wider sector of our society: CalamBangka for our fisherfolks and those whose livelihood depends on Laguna Lake; Spoken Word Poetry
with musical accompaniment for the millennials with their famous hugot lines; and the Kundiman Singing Contest, so that appreciation for our traditional love songs will be revived in the heart of the present generation.
     Surprises await participants and guests in this year’s Baile sa Bayan ni Pepe, the city’s take on the traditional Baile de Gala. Meanwhile, on its 6th year the Buhayani Bike Festival, under the helm of PEPEDAL, promises a more exciting race with the use of the newly established Motocross RaceTrack in Brgy. Bunggo.
     Pupils from upland barangays will be given the chance to visit the Museo ni Jose Rizal sa Calamba, where our National Hero and kababayan Dr. Jose Rizal lived. The highlight of the museum visit is the story telling session about the life and works of our other local heroes like BGen. Vicente Lim and Capt. Geronimo M. Aclan. As in the past years, elected officials headed by Mayor Timmy Chipeco and Vice Mayor Ross Rizal will serve as story tellers. A bigger and better gastronomic experience will be brought to you by the Salu-salo ng Aning Calambeňo. More flavorful treats to excite the palate will be brought by the different barangays of the city.

Making a comeback this year is the colourful and high flying Saranggolahan ni Pepe. It will be sure to give the spectators a natural high as they watch
beautiful kites cavorting in the sky.

     The highlight of the Buhayani Festival is the Dr. Jose P. Rizal Birth Anniversary commemoration on June 19. It will start with the traditional early morning floral offering at five historic monuments of our national hero followed by a program at the Museo ni Rizal sa Calamba. The Symbolic Float Competition with this year’s theme “Rizal’s Travel” will be in the afternoon. It will also include the Street Dancing Competition and the Biggest Delegation in Rizal Costume. With the numerous activities scheduled this year, the City Government and the Festival Executive Management Committee of the Buhayani Festival are expecting bigger crowds compared to its previous celebrations.
     This year’s schedule of activities and mechanics are also available at the Tourism Office at the FB account of City of Calamba Tourism, Kalan+Banga and Calamba Info.

soca.jpg25th20190.jpg25th20192.jpg25th20193.jpg25th20194.jpg