calambacity.gov.ph - Home https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita Mon, 06 May 2024 13:18:25 +0000 Joomla! - Open Source Content Management en-gb info@calmbacity.gov.ph (Calamba) Para sa Kalusugan - Galaw at Wastong Pagkain https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/222-para-sa-kalusugan-galaw-at-wastong-pagkain https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/222-para-sa-kalusugan-galaw-at-wastong-pagkain health.JPG

Para sa Kalusugan - Galaw at Wastong Pagkain

 

Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pamamahala ni Mayor Justin Marc “Timmy Chipeco” , Vice Mayor Roseller “Ross’ Rizal at myembro ng Sangguniang Panglungsod para sa kalusugan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan. Sa ginanap na Nutrition Month noong July 2019 na may temang “KUMAIN NG WASTO MAGING AKTIBO I PUSH NATIN ‘TO.” Sinabi ni Ms. Aleli Catalina Jimenez, isang Nutritionist, na kailangang magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa tamang nutrisyon upang mapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan at tamang paghahanda ng pagkain para sa pamilya. Dagdag pa na iwasan ang pagkain sa mga fast food sapagkat ang mga ito ay mataas sa fats, sugar at salt na karaniwang pinanggagalingan ng iba’t-ibang uri ng sakit, sa halip, kumain ng gulay at prutas.

     Bukod dito, binanggit din nya na ang pokus ngayong taon ng nutrisyon ay ang pagkakarron ng Physical Activity. Mapapansin na ang mga kabataan ngayon ay sobra
sa paggamit ng mga gadgetskung kaya’t nawawalan na ng exercise. Kung maaari ay  tumayo tayo, mag stretching, maglakad lakad lakad ng isang minuto kada dalawang oras (matanda o bata) sapagkat ang “Prolong sitting and lying is next to smoking” 

     Sa pangunguna ni Dr. Adelino Labro , City Health Officer nagsagawa ang kanilang tanggapan ng ibaibang programa upang higit na maintindihan ang tema ng selebrasyon gaya ng Market Fair, Palarong Pinoy tulad ng sipa, patintero at iba pa, Poster Making Contest, Calambulilit Kusina Master, Kiddielympics, Zumba Contest,at Nutri Puzzle . Nagsagawa rin ng Nutri Forum ukol sa Healthy Diet at Exercise . Ginawaran ng parangal ang lahat ng sumali at mga nagwagi sa mga patimpalak noong 31 July 2019. -Marivic D. Balba

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Tue, 06 Aug 2019 06:46:04 +0000
MAG 4S KONTRA DENGUE https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/221-mag-4s-kontra-dengue https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/221-mag-4s-kontra-dengue dengue     Kasabay ng tag-ulan ang pagsulputan ng iba’t-ibang uri ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagtatae, leptospirosis dulot ng baha at DENGUE na dala ng lamok.

     Noong 10 July 2019 nagsimula ang programa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Adelino Labro para sa pagdiriwang ng DENGUE AWARENESS MONTH na may temang, “Mag 4S Kontra Dengue”. Nagkaroon ng lecture ukol sa mga pamamaraan at pagiingat upang higit na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito.

Ipinaliwanang rin ang kahulugan at kahalagahan ng 4s:
     1. SEARCH AND DESTROY BREEDING PLACES – kailangang hanapin kung saan namumugad ang mga lamok. Regular na suriin ang lalagyan ng mga pinggan na kalimitang nakakaligtaang linisin, pagpapalit ng tubig sa flower vase, pinag-iimbakan ng tubig at mga kanal kung saan ay may nakaipong tubig.

     2. SEEK EARLY CONSULTATION - kumunsulta na agad sa doctor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw, pananakit ng ulo at pagsusuka, upang maagapan ang anumang karamdaman o uri ng sakit.

     3. SECURE SELF PROTECTION - magsuot ng pajama at long sleeves upang makaiwas sa kagat ng lamok. May ipinamamahagi din ang Department of Health ng mga treated na kulambo at treated screen para sa mga paaralan.

     4. SAY YES TO FOGGING - huling pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng dengue. May tamang oras ang fogging o misting, 4-6 sa umaga at 4-5 sa hapon.

     Ayon sa pag-aaral ito ang oras na kalimitang lumalabas ang lamok na may dalang sakit. Higit sa lahat ng ito, mas mahalaga pa rin ang kalinisan hindi lamang sa ating pangangatawan at panatilihin din na laging malinis ang mga kapaligiran. Puspusan ang kampanya laban sa dengue ng Pamahalang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “ Ross” Rizal at miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Health Office. Patuloy ang pagsasagawa ng misting operation at pamamahagi ng misting machine sa mga barangay na may kaso ng dengue. Nais ng pamahalaan na paigtingin ang mga programang ibinaba ng Department of Health (DOH) para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. -Marivic D. Balba

67144042_2814162631991299_7523066519559864320_n.jpg  66774147_2793284357412460_3606856669813800960_n.jpg

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Mon, 05 Aug 2019 07:50:04 +0000
41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/220-41st-national-disability-prevention-and-rehabilitation-week-celebration https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/220-41st-national-disability-prevention-and-rehabilitation-week-celebration pwdcaravan.JPG41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration

     Ipinagdiwang ng Persons With Disability (PWD) sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong 15 – 21 Hulyo 2019 na may temang, “Lokal na Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan” sa pamumuno ng ating Punong Lungsod Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller  “Ross” Rizal at ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Social Services and Youth Development Office. Naghanda ng mga programa at aktibidades ang PDAO sa pangunguna ng kanilang Section Head, G. Luisito Apacionado.

     Ayon kay G. Apacionado, naghandog ng libreng film showing ang SM City kasabay ang pagbubukas ng Bazaar sa loob ng City Hall na sinundan ng mga programa tulad ng mga
sumusunod:

     16 Hulyo - Poster Making Contest- kung saan ipinakita ang kanilang husay sa pagpinta at pagguhit;

      17 Hulyo - Mayor Timmy Chipeco Mini Caravan for PWD kung saan ay nagkaroon ng Job Fair for PWD, livelihood training (food processing), medical, eye check-up at dental mission, libreng massage, manicure, haircut, legal consultations, at mga problemang may kaugnayan sa civil registration.

      18 Hulyo – Seminar on Rights of PWD

      21 Hulyo – Motorcade na nagsimula sa likuran ng SM Calamba Parking at nagtapos sa Calamba Elementary School (Central 2) na sinundan ng PWD Got Talent Season 3 kung saan sila nagpakita ng kanikanilang galing at talento.

     Patuloy ang pagsuporta ng ating Pamahalaang Lungsod sa mga programa na makapagpapaangat at makapagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan ng lungsod sa  tulong ng mga pribadong sektor at PWD Organization ng bawat barangay. Louie Landicho/Marivic D. Balba/Cecil H. Canillas

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Mon, 05 Aug 2019 07:38:43 +0000
Buhayani 2019 https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/218-buhayani-2019 https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/218-buhayani-2019 buhayani2019_copy.jpg

     This year, planning and preparations for the 6th BUHAYANI FESTIVAL and the 158th Dr. Jose P. Rizal Birth Anniversary commemoration started much earlier compared to previous years.     

     The events committee wanted to make a stronger impact not only aiming for the Pearl Award presented by DOT and ATOP to highly deserving Local Government Units with exemplary festivals, but instilling more deeply the spirit of heroism inspired by Dr. Jose Rizal.     

     With the Buhayani Festival being in its iron year, the city is highlighting the most well-known of this metal’s attributes: strength. As such, even as early as March, numerous sponsors and festival partners have already given their pledges of support for a bigger and stronger Buhayani Festival.     

     Mayor Timmy Chipeco, the Father of Buhayani Festival, together with the festival committee, added activities to attract more competitors and spectators from a wider sector of our society: CalamBangka for our fisherfolks and those whose livelihood depends on Laguna Lake; Spoken Word Poetry
with musical accompaniment for the millennials with their famous hugot lines; and the Kundiman Singing Contest, so that appreciation for our traditional love songs will be revived in the heart of the present generation.
     Surprises await participants and guests in this year’s Baile sa Bayan ni Pepe, the city’s take on the traditional Baile de Gala. Meanwhile, on its 6th year the Buhayani Bike Festival, under the helm of PEPEDAL, promises a more exciting race with the use of the newly established Motocross RaceTrack in Brgy. Bunggo.
     Pupils from upland barangays will be given the chance to visit the Museo ni Jose Rizal sa Calamba, where our National Hero and kababayan Dr. Jose Rizal lived. The highlight of the museum visit is the story telling session about the life and works of our other local heroes like BGen. Vicente Lim and Capt. Geronimo M. Aclan. As in the past years, elected officials headed by Mayor Timmy Chipeco and Vice Mayor Ross Rizal will serve as story tellers. A bigger and better gastronomic experience will be brought to you by the Salu-salo ng Aning Calambeňo. More flavorful treats to excite the palate will be brought by the different barangays of the city.

Making a comeback this year is the colourful and high flying Saranggolahan ni Pepe. It will be sure to give the spectators a natural high as they watch
beautiful kites cavorting in the sky.

     The highlight of the Buhayani Festival is the Dr. Jose P. Rizal Birth Anniversary commemoration on June 19. It will start with the traditional early morning floral offering at five historic monuments of our national hero followed by a program at the Museo ni Rizal sa Calamba. The Symbolic Float Competition with this year’s theme “Rizal’s Travel” will be in the afternoon. It will also include the Street Dancing Competition and the Biggest Delegation in Rizal Costume. With the numerous activities scheduled this year, the City Government and the Festival Executive Management Committee of the Buhayani Festival are expecting bigger crowds compared to its previous celebrations.
     This year’s schedule of activities and mechanics are also available at the Tourism Office at the FB account of City of Calamba Tourism, Kalan+Banga and Calamba Info.

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Wed, 29 May 2019 08:18:56 +0000
State of the City Address (SOCA 2019) https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/217-state-of-the-city-address-soca-2019 https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/217-state-of-the-city-address-soca-2019 soca.jpg25th20190.jpg25th20192.jpg25th20193.jpg25th20194.jpg

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Wed, 29 May 2019 08:05:03 +0000
9 na Awards, Ani sa Calamba sa Anilag 2019 https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/216-9-na-awards-ani-sa-calamba-sa-anilag-2019 https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/216-9-na-awards-ani-sa-calamba-sa-anilag-2019 anilag_new.jpg

Siyam (9) na awards, kabilang na ang 1st Place sa 3D Art Painting Contest, Little Miss Anilag at Dance Revolution ang hinakot ng Lungsod ng Calamba sa katatapos na Anilag Festival 2019. Ikinatuwa ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga naging tagumpay ng kanyang mga kababayan sa pagharap ng mga ito sa Flag Raising Ceremony noong Lunes, 11 Marso 2019.
     Nanalo sina Alvin Manalo at mga kasama ng Grand Prize sa 3d Art Painting Contest habang 3rd Placer naman sina Jeffrey Ofalsa at mga kasama. Itinanghal namang title holder ng Little Miss Anilag si Herly Zianne P. Mariano.
Kampeon naman sa Dance Revolution ang Altas Fusion Krew, isang grupo ng hiphop dancers buhat sa University of Perpetual Help Dalta System – Calamba Campus. Ayon kay Bb. April Violet Cubilla, Performing Art Coordinator ng UPHS Calamba, pinaghandaan ng husto ng mga bata ang naturang kompetisyon at humanga siya sa ipinakitang dedikasyon at tibay ng loob ng mga bata. Aniya, hindi kataka-taka na mag kampeon ang mga ito dahil sa ipinakita nilang kahusayan sa pagsayaw. Ikinatuwa ng mga opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang naging performance ng Altas Fusion Krew nitong nakaraang Lunes.
     Nasungkit naman ng Calamba Integrated School and 3rd Place sa Street Dance Competition na ikinatuwa ng marami. Ani Bb. Ma. Elena Jocson, “Hindi namin inexpect na manalo sa Street Dancing Competition dahil lahat ng kalahok ay puro magagaling kaya’t laking tuwa naming lahat ng matawag ang Calamba bilang 3rd Placer.”
     

Narito ang iba pang nagkamit ng karangalan sa ibat-ibang patimpalak ng Anilag 2019:


Kate Audrey Barahil
2nd Place, Anilag Singing Idol – Kids Category


Julian Roman Bautista at Cherrylyn Mijares
2nd Place, Culinary Arts and Bartending Competition


Daniela Torres
2nd Place, Gandang Lola


Mariel Fajilan
3rd Place, Laguna Lesbian King


Ang Anilag Festival ang opisyal na taunang festival ng Lalawigan ng Laguna na nilalahukan ng lahat ng Lungsod at bayan ng Laguna.
-Joel Cabactula

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Wed, 29 May 2019 07:46:25 +0000
TAMANG PAGREREHISTRO, PANAWAGAN NG CCR https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/215-tamang-pagrerehistro-panawagan-ng-ccr https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/215-tamang-pagrerehistro-panawagan-ng-ccr ccr

     “Inclusive and Responsive CRVS: Working Smarter Through Innovation” ang tema ng pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong taon. Layon ng programang ito ang maipabatid sa mga Calambeño ang kahalagahan ng wastong datos ukol sa kapanganakan, kasal, kamatayan at iba pang mahahalagang impormasyon sa pagkakakilanlan ng isang tao. 

     Ayon kay Gng. Ednalina Masongsong, City Civil Registrar, magiging maginhawa ang pagpoproseso o pagkuha ng anumang pangunahing serbisyo o transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno maging sa mga pribadong institusyon kung tama ang ating rehistro. Kaya naman sa suporta ng ating butihing Mayor, Justin Marc “Timmy” Chipeco, iba’t ibang programa ang inihanay ng Pamahalaang Lungsod para sa pagtataguyod ng karapatang maitala. 

     Isa sa mga programa para dito ang seminar para sa mga sekretarya ng simbahan at iba pang religious groups ukol sa tamang pagrerehistro ng kasal habang pinulong naman ni Dr. Adelino Labro,
pinuno ng City Health Services Department ang mga hilot, barangay healthworkers at iba pa upang ipaalala sa kanila ang mga alituntunin ng City Ordinance No. 2016-587, “An ordinance requiring only
Health Professionals to handle Natural Deliveries at the SM KABALIKAT SA KABUHAYAN (KSK) INILUNSADInilunsad noong Enero 16, 2019 ng SM Foundation Inc. ang programa nitong
Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) sa Barangay Sampiruhan. Dinaluhan ito ng mahigit sa dalawang daang
(200) magsasakat at 4P’s beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay sa Calamba at maging sa karatig bayan nito. Ang KSK Rural and Urban Farmers Training Program ay isang programang isasagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng SM Foundation, Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department (CASD), City Social Services Development Office (CSSD0), Harbest Agribusiness Corporation at Sangguniang Barangay ng Sampiruhan. Tinatayang tatagal ang pagsasanay ng apat (4) na buwan (Enero hanggang Abril) kung saan lingguhang magtitipon ang mga kalahok, sa ilalim ng paggabay ng mga eksperto mula sa Harbest Agibusiness Corp. Layon ng KSK na maturuan ang mga magsasaka at mga 4P’s beneficiaries ng mga makabagong kaalaman at teknolohiya ukol sa pagtatanim ng gulay na magkakapagpataas ng ani lalo’t higit ng kita ng mga kalahok. Dagdag pa dito, ay nais din ng pagsasanay na mapalakas ang ugnayan ng mga kalahok sa tamang Accredited Birthing Facilities and Provide Penalties for Violation thereof.” Ayon sa ordinansang ito, bawal na ang pagpapaanak sa bahay, sa halip ay dapat nang dalhin ang mga manganganak sa pinakamalapit na health service facility para sa kaligtasan ng sanggol at ina nito.

     Pinulong din ni Gng. Masongsong ang mga Day Care Workers ng bawat barangay upang maipahatid sa mga merkado upang matiyak ang benta ng ani. Dinaluhan ang nasabing programa nina G. Philip Bautista mula sa tanggapan ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Kon. Charisse Anne Hernandez (Chairman, Committee on Agriculture), kinatawan mula sa tanggapan ni Kon. Totie Lazaro, G. Eufrocino J. Guerrero (City Agriculturist), Gng. Celine Manabat (CSSDO Officer), Gng. Cristie Angeles (SM Foundation),  G. Toto Barcelona (Harbest Agribusiness Corp.) at Barangay Chairman Hilario Dumalaon (Brgy. Sampiruhan). -Tessa Mar Espino Ang mga magiging kalahok sa ng SM Kabalikat sa Kabuhayan Rural and Urban Farmers Training Program kasama ang mga opisyal at tauhan mula Pamahalaang Lungsod ng Calamba, SM Foundation, Harbest Agribusiness Corp., at Sangguniang Barangay ng Barangay Sampiruhan. magulang ng mga mag-aaral na maiparehistro ang kanilang mga anak o maituwid ang mga maling datos sa kanilang mga birth certificates o iba pang civil registry documents. Sa darating namang 28 ng Pebrero , libreng serbisyo ng pagkuha ng mga certification at certified true copy of birth, marriage at death certificates ang ipagkakaloob ng City Civil Registry. -Ma. Elaine Francisco / Marivic D. Balba

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Wed, 29 May 2019 07:33:09 +0000
CALAMBA, SGLG AWARDEE ULI! https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/210-calamba-sglg-awardee-uli https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/210-calamba-sglg-awardee-uli sglgCALAMBA, SGLG AWARDEE ULI!

Muling kinilala bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee sa ikalawang sunod na taon ang Lungsod ng Calamba. Tinanggap nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, City Administrator Allan Zacarias at City DILG Director Lenie Bautista ang naturang pagkilala sa isang Awards Ceremony na ginanap sa Tent City, Manila Hotel noong 7 Nobyembre 2018. Tinaguriang “Mother of All Awards”, tinatasa ng SGLG ang kalidad ng serbisyo publikong ipinagkakaloob ng mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas gamit ang pitong (7) assessment areas.

 

Sa tinatayang 1,682 probinsya, lungsod at bayan sa buong Pilipinas, kabilang ang Calamba sa natatanging 263 na mga local government units (LGUs) na nakapasa sa masusing pagsusuri ng DILG, patunay lamang ito sa patuloy na pag-angat ng antas ng serbisyo publikong ipinagkakaloob ng Calamba sa kanyang mga mamamayan.


“Isang karangalan ang kilalanin bilang SGLG Awardee,” ani Mayor Timmy, “ngunit hindi naman tayo nagtatrabaho para lamang kilalanin. Ginagampanan natin ang ating tungkulin sa ating mga kababayan at nagsusumikap na mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng mga innovative programs at proyektong kapakipakinabang sa mga Calambeño. Ang mga pagkilalang tulad nito ay nagsisilbing hamon at inspirasyon pa sa atin upang mas maimprove pa ang ating mga sarili sa mga darating na panahon,” dagdag pa ng punong lungsod.

Sa taong ito, isa ang Region IV-A CALABARZON sa nangungunang limang (5) rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga SGLG Awardees. Sa Lalawigan ng Laguna lamang, apat (4) na lungsod, kabilang ang Calamba at tatlong (3) bayan bukod pa sa mismong lalawigan ng Laguna na Hall of Fame Awardee na, ang tumanggap ng pagkilala.
Tinanggap nina Mayor Timmy ang parangal buhat kina Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, Congressman Jose Enrique Garcia III ng ikalawang distrito ng Bataan, DILG Secretary Eduardo Año at DILG Region IV-A Director Manuel Gotis. (Noemi E. Talatala)

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Tue, 27 Nov 2018 09:26:59 +0000
CALAMBA CITY IS NOW ISO 9001:2015 CERTIFIED https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/208-calamba-city-is-now-iso-9001-2015-certified https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/208-calamba-city-is-now-iso-9001-2015-certified isoThe City Government has received the ISO 9001:2008 certification for Public Administration covering Business Permits and Tricycle Franchising Office, City Civil Registry, City Assessment Office and City Treasury Management Office (Disbursement, Revenue Collection and Calibration) in August 2016. The standard has been updated to ISO 9001:2015 and since February 2018, we have been using this version as our standard. Last April, AJA Registrars, Inc. conducted an audit on our services and operations to verify if we have been recommended for ISO 9001:2015. On August 20, 2018, Mayor Justin Marc SB. Chipeco received the certificates awarded by AJA Registrars Inc. during the weekly flag ceremony. “In our continuous effort to provide quality public service to our constituents, we are constantly striving to surpass ourselves by raising our standards and working hard to meet them,” Mayor Chipeco said. Local governments as a rule, seldom seek ISO certification because of its rigid standards but true to form, the City Government of Calamba accepted the challenge to rise above the norm. (Chona Paguyo)

undo

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Fri, 05 Oct 2018 12:28:40 +0000
CALAMBA ASSESSMENT OFFICE, REGION IV’s 1st IN TAV https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/207-calamba-assessment-office-region-iv-s-1st-in-tav https://www.calambacity.gov.ph/index.php/23-balita/207-calamba-assessment-office-region-iv-s-1st-in-tav assrCalamba City’s Assessment Office ranked 1st in the entire Region IV-a for achieving a Total Assessed Valuation (TAV) of Php 60,268,097,030.00, Mr. Graciano G. Aldabe, Calamba City Assessor received the plaque of recognition from Dir. Eduardo L. Del Rosario, Regional Director, Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region 4-A in the 2018 Mid-Year Performance Evaluation of CALABARZON Treasury and Assessment Operations held last July 30 to August 3 at Binangonan Recreation and Convention Center, Binangonan, Rizal. “Collaborative effort and hard work of the City Government and Assessor’s Office was the greatest avenue in achieving this triumph”, according to Aldabe. He added “Mayor Timmy’s support and encouragement to our office have been both a challenge and an inspiration for us to push ourselves farther”. Aldabe envisions the City Assessment Office to be the leading agency in generating local revenues from real property taxes, new assessment and re-assessment of real properties in Calamba if this continues. Mayor Justin Marc “Timmy” SB Chipeco congratulated the office and recognized the effort and hard work of its staff and officers. (Ralph Lennard J. Fajardo / Jialyn Quilao)

]]>
renenbalba@calambacity.gov.ph (Renen Balba) Balita Fri, 05 Oct 2018 12:21:55 +0000