MENU

Patuloy ang pagbibigay ng isang tunay at tapat na serbisyo publiko si Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco kasama ang Sanguniang Panlungsod sa pamamagitan ng serbisyo Caravan. Nagsimula ang ideolohiya ng serbisyo Caravan sa kagustuhan ng ating butihing mayor na siya mismo ang maglingkod sa mga residente ng Calamba at upang matugunan agad ang mga pangangailangan at suliranin na inilalapit sa kanya. Sa loob ng siyam na buwan, ang Serbisyo Caravan ni Mayor Timmy ay naranasan na sa dalawampu’t limang (25) barangay; at nakapagbigay ng libreng serbisyo sa mahigit-kumulang limampung libong residente.

Serbisyo Caravan1Sa nakaraang apat na buwan (Hulyo-Oktubre) ng taong ito, masaya at maayos na naidaos ang caravan sa labing-tatlong barangay ng ating siyudad: Kay Anlog, Milagrosa, Makiling, Brgy. 7, Bañadero, Maunong, Saimsim , Camaligan, San Juan, Sampiruhan, Banlic, Paciano, at Canlubang. Ito ay nagging matagumpay sa pakikipag tulungan  ng mga Punong Barangay kasama ang buong sanguniang. Ang lahat ng serbisyo ng Pamahalaang Panlungsod ay ipinagkaloob sa mahigit dalawampung-libong (20,000) residente ng mga nasabing Barangay. Ang ilan sa mga libreng serbisyo ng pamahalaang panlunsod ay ang libreng medical at dental check-up, libreng haircut, manicure, pedicure, at reflexology, mayroon ding libreng konsultasyong legal, assessment at business permit processing, libreng parahistro ng birth certificate, libreng seminar ukol sa livelihood, vocational courses, libreng bakuna para sa mga alagang hayop, libreng seeds at marami pang iba. Nagkaroon din ng Job Fair ang IIPESO at on the spot na nakapag-hire ng ilang Calambeño.

Happy ang Calamba City sa Serbisyo Caravan na Handog ni Mayor Timmy!