Get Adobe Flash player
image1 image2 image3 image4 image5 image6 image7 image8 image9 image10 image11 image12 image13 image14 image15 image16 image17 image18 image19 image20 image21 image22 image23 image24 image25

Manpower

Calamba Manpower Development Center

Ang CALAMBA MANPOWER DEVELOPMENT CENTER o ang SENTRONG SANAYAN NG CALAMBA ay isang institusyong bokasyonal na nagbibigay ng libreng pagsasanay sa ibat-ibang kasanayan sa loob ng (3) tatlong buwan.  Ito ay para sa mga kabataang wala sa loob ng paaralan at sa iba pang indibidwal na nagnanais na magkaroon ng kaalaman at kasanayan subalit mayroong kakapusang pinansyal upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang mga kursong pinagsasanayan ay naglalayong bigyang kaalaman at kasanayan ang mga nagsisipagsanay na kinakailangan sa paghahanapbuhay o sa pagtatayo ng maliit at sariling mga pagkakakitaan.

Maikling Kasaysayan

 

Ang Calamba Manpower and Youth Center (CMYC), na ngayon ay kilala bilang Calamba Manpower Development Center o ang Sentrong Sanayan ng Calamba ay isang  institusyong teknikal bokasyonal sa Lungsod ng Calamba na itinatag noong ika-6 ng Agosto taong 1984 sa panahon ng panunungkulan ng dating Punong Bayan ng Calamba, Salvador E. Delmo.

Bilang isang bagong tatag na institusyon, ito ay nagsimula na magbigay ng libreng pagsasanay sa isang maliiit na bakanteng lugar sa silong ng gusali ng Pamahalaang Bayan.   Sa panahong iyon, pinasimulan ang (4) apat na unang kurso na binuksan sa mga kabataan at sa mga nagnanais na makakuha ng kasanayan upang magamit sa produktibong paghahanapbuhay.  Ang mga kursong ito ay ang Welding, Cosmetology, Building Wiring Installation, Dressmaking at High Speed.

Noong taong 1985, idinagdag ang pagsasanay sa pananahi ng mga kasuotang panlalaki o TAILORING  at makalipas ang apat na taon,  ay ang pagsasanay sa INDUSTRIAL SEWING MACHINE OPERATION at BASIC ELECTRONICS.

Sa paglipas ng panahon, ang sentrong sanayan ay unti-unting naging bahagi ng buhay ng mga Kalambenyo at maging ng mga naninirahan sa mga karatig pook ng Calamba sa kanilang pagtuklas ng kaalaman at paghubog ng kanilang mga kasanayan.  Sa patuloy na pag-unlad ng sentrong sanayan, ang bagong pook-sanayan ay itinatag noong taong 1995 sa pagsisikap ng mga tagapamahala at taga-pagsanay ng sentro sa tulong ng Pamahalaang  Bayan ng Calamba.

Nang taong 1997, binuksan ang pagsasanay sa SILK SCREEN PRINTING at WOOD LAMINATION.  Sa mga taong 1998 at 1999, ang pamunuan ng sentrong sanayan ay sumunod sa takbo at pangangailangan ng kasalukuyang panahon at binuksan ang mga pagsasanay sa Pagpoproseso ng Pagkain (FOOD PROCESSING), Payak na Pagsasanay sa Kompyuter (BASIC COMPUTER), BAKING, at MECHANICAL DRAFTING.

Sa paglipas ng panahon, upang patuloy na matugunan ang pangangailangan sa mga dalubhasang manggagawa at magbigay daan sa pagkakaroon ng pagkakakitaan, binuksan din ang pagsasanay sa Refrigeration and Air-conditioning (taong 2000), Automotive (taong 2000), Traditional Chinese Medicine and Acupuncture (taong 2005) at Reflexology (taong 2005).

Sa pagiging Lungsod ng Calamba at sa pagkakaroon ng isang maunlad na komunidad ay lumaki rin ang bilang sa pangangailangan ng mga may-kasanayang manggagawa na mas higit na natugunan ng Sentrong Sanayan ng Calamba sa paglilipat ng pamamahala ng Panglalawigang Sentrong Sanayan ng Laguna sa pamamahala ng Lungsod.

Ang patuloy na pag-unlad at pagiging progresibong institusyon ay nakamit ng Sentrong Sanayan ng Calamba sa pagiging pangunahing proyekto ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punong Lungsod, Kgg. JOAQUIN M. CHIPECO, JR. at ng mga bumubuo ng SANGGUNIANG PANGLUNGSOD ng CALAMBA.

 
Google
Web City Website
panoramapanoramapanorama